Southern Isabela BPATs Summit 2025, matagumpay na naisagawa; higit 1,200 miyembro, dumalo

Aktibong lumahok ang mga myembro ng Southern Isabela Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Summit 2025 na may temang “Bayanihan for Protection, Action, and Transformation in Security” sa Echague Evacuation Center, Brgy. San Fabian, Echague, Isabela nito lamang ika-27 ng Agosto, 2025.

Pinangunahan ni Police Liuetenant Colonel Garry A. Matagay, Deputy Provincial Director for Administration (DPDA), at Police Liuetenant Colonel Jomar F. Julian, Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Echague na pinamumunuan ni Hon. Faustino A. Dy V, sa pamamagitan ng kinatawan nitong si Hon. Marcos Baccay, Chairman ng Municipal Peace and Order Council (MPOC). Dumalo rin sa summit ang mga Chiefs of Police at MCAD focal persons mula sa iba’t ibang bayan ng Southern Isabela.

Dinaluhan ang pagtitipon ng kabuuang 1,224 BPATs members mula sa mga bayan ng Alicia, Angadanan, Cordon, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, San Isidro, at Ramon. Kabilang sa mga mahahalagang paksa na tinalakay ng mga tagapagsalita ang Orientation and Objectives, Roles of BPATs and Relation of BPATs to PNP, Salient Provisions of Katarungang Pambarangay at Citizen’s Arrest.

Layunin ng summit na bigyang kakayahan ang mga BPAT sa pamamagitan ng karagdagang kaalaman at pagsasanay upang maging mas epektibong katuwang ng kapulisan at lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kani-kanilang barangay.

Source : PNP Isabela

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *