OPLAN LUCY Ver. 2.0 Serbisyo Caravan, inilunsad sa Ormoc City
Matagumpay na inilunsad ang OPLAN LUCY-Organized Preventive Law Enforcement Against Narcotics with Leadership, Unity, and Community Yield Ver. 2.0 Serbisyo Caravan sa Barangay Dolores Covered Court, Ormoc City nito lamang Biyernes, ika-29 ng Agosto 2025.
Ang aktibidad ay binigyang diin ang partisipasyon ng mga partner agencies at stakeholders na nag-alok ng iba’t ibang libreng serbisyo sa mga residente kasama ang Ormoc City Police Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joel R Camacho, Officer-In-Charge.

Kasama rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Agriculture (DA), City Veterinary Office, City Health Office, AGAK Drug Rehabilitation and Wellness Facility, KADIWA ng Pangulo, at iba pang support groups.
Itinampok ng kanilang aktibong pakikilahok ang diwa ng pagtutulungan tungo sa pagtiyak na mapaabot ang mahahalagang serbisyo sa mga komunidad lalo na ang mga katutubo.

Kabilang sa mga serbisyo ang blood pressure check-up, medical health tips, animal vaccination at deworming, seedling distribution, livelihood support, affordable goods, libreng gupit, paghahatid ng binignit, police clearance assistance, at legal consultation.
Ang caravan ay nagtapos sa isang panibagong pangako na itaguyod ang kampanya ng PNP para sa isang safe at secure na komunidad sa ilalim ng tema na “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!”