Barangay Based Group, nakipag-ugnayan sa PNP
Nakipag-ugnayan ang Barangay Based Group sa PNP upang panatilihin ang isang ligtas na komunidad nitong Agosto 30, 2025 sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Naging pagkakataon ang pag-uusap upang marinig ang mga panukala, hinaing, at suhestiyon ng mga opisyal ng barangay hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kani-kanilang nasasakupan.
Pinuri naman ng Tuao Police Station ang dedikasyon ng mga Barangay Officials ng iba’t ibang barangay sa Tuao, Cagayan sa kanilang mga inisyatibo para sa kaayusan sa bayan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PNP at pamahalaang barangay, patuloy na napapalakas ang seguridad at tiwala ng publiko, tungo sa isang ligtas, maunlad, at bagong Pilipinas.
Source: Tuao Police Station