LGBTQ Group “The Living Dolls”, nanguna sa Coastal Clean-up Drive sa Agoo
Pinangunahan ng Agoo Living Dolls Inc ang isang matagumpay na coastal clean-up drive sa Agoo Baywalk noong Agosto 30, 2025, bilang bahagi ng kanilang adbokasiya at patuloy na kampanya para sa pangangalaga ng kalikasan at karagatan.
Nakibahagi sa aktibidad ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Fantastic Zumba Group, CIASI – Agoo Chapter, kasama si Konsehala Jean C. Boado at ang SBO Staff at mga opisyal ng Barangay San Julian Norte.

Ipinahayag ng grupo ang kanilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa paglilinis ng baybayin. Ayon sa kanila, ang sama-samang aksyon na ito ay patunay ng pagkakaisa ng komunidad tungo sa mas malinis at mas maayos na kapaligiran.
Nanawagan din ang mga organisador na ipagpatuloy ang ganitong mga inisyatiba upang mapanatiling malusog at ligtas ang karagatan at kalikasan para sa susunod na henerasyon.
Source: Agoo Living Dolls Inc.