BADAC meeting, isinagawa sa Cebu City

Dumalo ang mga tauhan ng Parian Police Station 1, Cebu City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Marvin Benolirao Fegarido, Station Commander sa Buwanang Pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na ginanap sa Session Hall ng Barangay San Antonio, Cebu City, noong ika-4 ng Setyembre 2025.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad ipinakita ng kapulisan ang kanilang suporta sa mga inisyatiba ng barangay upang manatiling ligtas at matatag ang kanilang komunidad laban sa iligal na droga.

Ang pagpupulong ay pinamunuan ni Hon. Daido Stephen D. Abcede Jr., Punong Barangay ng San Antonio, at dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, kagawaran ng DSWS, religious sector, Lupon Tagapamayapa, mga lider ng sitio, at Barangay Peace and Safety Officers (BPSOs).

Ang malawak na partisipasyon ay nagpatunay ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor sa pagbuo ng mga hakbang na magtitiyak ng kaligtasan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Kabilang sa mga mahahalagang tinalakay ay ang pagpapanatili ng drug-cleared status ng barangay, pagpapalakas ng mga community-based interventions at preventive programs, gayundin ang patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pakikibaka laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ang mga programang ito ay naglalayong magbigay ng sapat na kaalaman, suporta, at oportunidad sa mga residente upang sila ay manatiling ligtas at malayo sa masasamang bisyo.

Sa kabuuan, ang isinagawang pagpupulong ay sumasalamin sa patuloy na pakikipagtulungan ng kapulisan, pamahalaang barangay, at mga kinatawan ng komunidad para sa iisang layunin—ang mapanatili ang isang ligtas, payapa, at walang-drogang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *