Barangay-Based Group ng Magala East, Enrile, Cagayan, nakiisa sa isinagawang dayalogo ng Enrile MPS

Nakiisa ang Barangay Based Group ng Magala East, Enrile Cagayan sa isinagawang dayalogo ng PNP Enrile upang panatilihin ang isang ligtas na komunidad nitong ika-7 ng Setyembre 2025 sa bayan ng Enrile Cagayan.

Pinangunahan ni Police Major Harold Ocfemia, Chief of Police ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office katuwang ang Barangay Official ng Barangay Magala East Enrile Cagayan ang aktibidad upang maiwasan ang mga krimen.

Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng Barangay Force multipliers kaugnay ng Bantay eskwela upang maiwasan ng bawat mag aaral ang gulo, pagputol ng klase at pambubully at ang tuloy tuloy na anti criminality campaign laban sa robbery, theft, rape, anti-illegal gambling, at anti-illegal drugs.

Samantala, ang aktibidad na ito ay layong patatagin ang ugnayang pulisya at mamamayan sa pamamagitan ng pagtutulungan upang mapalakas ang seguridad at tiwala ng publiko, tungo sa isang ligtas, maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: Enrile MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *