Barangay Tanod Training at Seminar, isinagawa sa Cordova, Cebu

Matagumpay na isinagawa ng Cordova Municipal Police Station, katuwang ang Cordova MDRRMO at Traffic Anti-Crime Troopers (TACT) sa pangunguna ni PMAJ JOHN KHALEV D. SANCHEZ, ACOP, ang isang Training at Seminar para sa mga Barangay Tanod na ginanap sa Cordova, Cebu, noong ika-6 ng Setyembre 2025.

Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang kanilang kaalaman, kasanayan, at kahandaan sa pagtupad ng tungkulin bilang mga katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Cordova.

Kabilang sa mga itinuro sa pagsasanay ang Orientation at Roles ng Barangay Tanod upang higit na maunawaan ang kanilang mandato, Basic Restraining Techniques para sa tamang pagpigil ng suspek, at Basic Handcuffing Techniques para sa wastong paggamit ng posas.

Kasama rin dito ang Basic Life Support (BLS) at First Aid na mahalaga sa pagbibigay ng agarang tulong sa panahon ng aksidente o sakuna.

Bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon, bawat barangay ay binigyan ng dalawang (2) pares ng posas at dalawang (2) pito mula sa Cordova PNP.

Samantala, ang bawat kalahok ay nakatanggap ng tig-limang (5) kilo ng bigas mula sa Lokal na Pamahalaan ng Cordova bilang suporta at pasasalamat sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod-bayan.

Lubos na pinasalamatan ng Cordova Police Station at ng pamahalaang lokal ang lahat ng barangay tanod na lumahok sa nasabing seminar.

Ang kanilang partisipasyon ay malinaw na patunay ng malasakit at kahandaang maging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *