Coastal Clean-Up Drive, pinagtulungang isinagawa sa Hilongos, Leyte

Aktibong nagtulong-tulong ang mga kasapi ng Advocacy Support Group at mga awtoridad sa isinagawang Coastal Clean-Up Drive sa Barangay San Juan, Hilongos, Leyte nito lamang Sabado, ika-6 ng Setyembre 2025.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ang Hilongos Municipal Police Station, Public Employment Service Office, Municipal Social Welfare and Development Office, 4Ps beneficiaries, KALAHI, SLP, Philippine Coast Guard at iba pang mga government agencies.

Magkakasamang nagtulungan ang grupo upang maibalik ang kagandahan ng baybayin at matiyak ang isang mas malinis, luntian, at mas napapanatiling kinabukasan para sa komunidad.
Ang aktibidad ay alinsunod sa 125th Philippine Civil Service Anniversary.

Ang makabuluhang aktibidad ay sumasalamin sa ibinahaging pangako ng mga manggagawa ng gobyerno sa pangangalaga sa kapaligiran habang isinusulong ang diwa ng bayanihan sa iba’t ibang ahensya at katuwang sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *