Drug Awareness Campaign, isinagawa sa San Mateo, Rizal

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Crime Prevention Week, matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station (MPS) ang isang Drug Awareness Campaign (RA 9165) sa Pintong Bukawe National High School, Brgy. Pintong Bukawe, San Mateo, Rizal nitong Biyernes, ika-5 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ni PCMS Anthony Francisco, PCAD PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Jonathan D. Ilay, Chief of Police ng San Mateo MPS. Katuwang sa programa ang mga guro at mga mag-aaral ng Junior at Senior High School ng nasabing paaralan.
Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng tamang kaalaman tungkol sa ipinagbabawal na gamot, ang mga masamang epekto nito, at ang papel ng kabataan sa pagpigil sa paglaganap ng bisyo at kriminalidad.
Layunin ng aktibidad na magbigay-kaalaman sa mga kabataan hinggil sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot, hikayatin silang umiwas sa bisyo, at mahubog silang maging responsable at aktibong kabahagi ng komunidad na ligtas sa droga at krimen.
Source: San Mateo Municipal Police Station