General cleaning, isinagawa sa Bulusan Park sa Calapan City

Sama-samang paglilinis ang isinagawa ng City Economic Enterprise Department at ng mga kapulisan sa Bulusan Park ng Calapan City nitong ika-5 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni Nepo Benter City Economic Enterprise Department ang General Cleaning ng Bulusan Park upang muling buhayin ang turismo at muling maibalik ang dating ganda at sigla ng naturang lugar

Samantala, nakiisa din sa naturang aktibidad ang mga kapulisan ng Calapan City Police Station upang mag pakita ng suporta sa magandang dulot ng mga ganitong klasing proyekto sa ating komunidad.
Bahagi ito ng programa ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon ang panatilihin ang Calapan sa kalinisan ng kapaligiran nito. Matatandaan na tuwing huling sabado ng buwan nagsasama-sama ang mga mamamayan kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan at mga konsernadong ahensya sa sabayang paglilinis sa kani-kaniyang barangay.
Source: Calapan City