School-Based Immunization Program ng LGU Narvacan, patuloy na isinasagawa

Patuloy na ipinapatupad ng Pamahalaang Lokal ng Narvacan ang School-Based Immunization Program sa pangunguna ni Mayor Dra. Edna Cabalo Sanidad, katuwang ang Rural Health Unit of Narvacan na pinamumunuan ni Dr. Angelo Gurion at mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH).
Noong Setyembre 4, 2025, iba’t ibang paaralan sa bayan ang nakilahok sa pagbabakuna kontra MR (Measles-Rubella) at TD (Tetanus-Diphtheria) para sa mga mag-aaral ng Grade 1 at Grade 7, habang ang HPV (Human Papillomavirus) Vaccine naman ay itinurok para sa mga estudyanteng nasa Grade 4.

Layon ng programa na maibigay sa mga bata ang kinakailangang proteksyon laban sa iba’t ibang sakit upang matiyak ang kanilang kalusugan habang nag-aaral at lumalaki. Binibigyang-diin din sa aktibidad ang pangunahing adbokasiya ng kasalukuyang administrasyon ang pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan.
Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur