BPATs Refresher Training, isinagawa sa Meycauyan City
Isinagawa ang Barangay Peace Keeping Action Team (BPATs) Refresher Training na pinangunahan ng mga tauhan ng Meycauayan City Police Station sa Brgy. Langka Meycauayan City, Bulacan nito lamang Lunes ika-8 ng Setyembre, 2025.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna nina PEMS Arnold Cultivo, CCAD PNCO, at PCMS Marrian Dacutanan, Assistant CCAD PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Melvin M Florida Jr., Acting Chief of Police ng naturang istasyon.
Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang mahahalagang paksa gaya ng mga tungkulin at responsibilidad ng BPATs, konsepto ng community policing, wastong paraan ng pag-uulat ng insidente gamit ang 5Ws and 1H, mga kasong saklaw ng Barangay Justice System, at mga ordinansang ipinatutupad ng lungsod at barangay.
Layunin ng aktibidad na ito na paigtingin ang kakayahan ng mga BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa antas-barangay, gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng pamahalaang barangay at ng PNP para sa mas ligtas at organisadong komunidad.
Patuloy ang Meycauayan PNP sa pagpapaigting ng mga ganitong aktibidad upang masiguro na handa at may sapat na kaalaman ang mga BPATs sa pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon at pangangailangan ng kanilang nasasakupan.
