Public Consultation ng mga TODA sa Puerto Prinsesa, nagpatuloy

Nagpapatuloy ang public consultation ng mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na pinangungunahan ng City Tricycle Franchising and Regulatory Board (CTFRB) sa Ramon V. Mitra Sports Complex Basketball Court Puerto Princesa City noong Setyembre 9, 2025.

Layunin ng pagpupulong na makahanap ng konkretong solusyon sa mga problema at isyung kinakaharap ng mga TODA.

Ayon kay CTFRB Chairman mahalaga ang hakbang na ito sa pagtugon sa mga usapin ng pampublikong transportasyon sa lungsod.

Samantala, tinalakay naman ni PLt Eugenia Junidil, Chief Palawan HPG, sa naturang aktibidad na palalakasin ang kampanya laban sa carnapping at ipatutupad ang RA 4136 na traffic code sa Palawan.

Dagdag pa ay “Win-win solution” din aniya ang nais nilang makuha dito na kapwa papabor sa mga tricycle driver at sa mga pasahero.

Source: Palawan News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *