Tree Planting Activity, matagumpay na isinagawa sa Tagaytay City

Bilang bahagi ng Community Mobilization Project, matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity sa Brgy. Maharlika West, Tagaytay City nitong Miyerkules, ika-10 ng Setyembre 2025.
Sama-samang lumahok ang mga miyembro ng Army Reservist, Barangay Officials, mga Police Trainee na kasalukuyang sumasailalim sa Field Training Program (FTP), at mga Intern students mula sa Kurios Christian Colleges Foundation at Grandby College of Science and Technology.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Jefferson P. Ison, Acting Chief of Police. Nagbigay sila ng seguridad at suporta upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng pagtatanim ng mga puno.

Binigyang-diin ng mga katuwang sa programa na ang simpleng pagtatanim ng puno ay may malaking ambag sa kinabukasan ng bayan. Ayon sa kanila, sa bawat punong naitatag, hindi lamang kalikasan ang pinoprotektahan kundi pati na rin ang buhay at kinabukasan ng mamamayan.
Ang pagtutulungan ng pamayanan at kapulisan ay patunay na sa pagkakaisa, naipapakita ang malasakit sa kalikasan at naipapamana ang mas luntian at maliwanag na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
Source: Tagaytay CCPS