Community Outreach Activity, isinagawa
Isinagawa ang isang community outreach activity sa Barangay Campo Islam, Zamboanga City nito lamang ika-9 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Fidel B Fortaleza Jr., City Director ng Zamboanga City Police Office katuwang ang Punong Barangay ng Campo Islam na si Hon. Habib Faisal Jamalul, ang naturang aktibidad.
Ipinahayag ni PCol Fortaleza Jr, ang kanyang patuloy na pangako na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga lokal na lider sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng bawat Zamboangueño.

Nagsilbi ang aktibidad bilang daan upang maisulong ang mga adbokasiya para sa kapayapaan at kaayusan, at upang mahikayat ang mga residente na aktibong makipagtulungan sa kapulisan sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang pamayanan.
Layon ng nasabing inisyatiba na magbigay ng agarang tulong sa mga mamamayan, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan, kasabay ng pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng lokal na kapulisan at ng mga opisyal ng barangay.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay mga pangunahing gamit at relief items na makatutulong upang maibsan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng komunidad.