Symposium laban sa ipinagbabawal na gamot, isinagawa sa Panabo City
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya kontra iligal na droga, matagumpay na isinagawa ang isang Drug Symposium noong Setyembre 10, 2025 sa pangunguna ni Police Lieutenant Dexter R Cuevas, Acting Chief of Police ng Panabo City Police Station na nagsilbing resource speaker.
Dumalo sa aktibidad ang iba’t ibang sektor ng komunidad kabilang ang mga Barangay Officials, Sangguniang Kabataan (SK) officials, Barangay Health Workers, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), at mga Barangay Tanod.
Tinalakay sa symposium ang mga panganib na dulot ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng komunidad sa kampanya kontra iligal na droga.
Ang ganitong mga aktibidad ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Panabo City Police Station sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagbibigay-solusyon sa problema ng droga sa komunidad.
