Barangay Visitation/Dialogue, isinagawa sa Tagaytay City
Matagumpay ang isinagawang Barangay Visitation/Dialogue ng mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station sa Barangay Francisco, Tagaytay City nito lamang ika-17 ng Setyembre, 2025.
Sa naturang pagbisita, nakipagdayalogo ang kapulisan sa mga opisyal ng barangay upang talakayin ang mga isyu hinggil sa crime prevention at pagpapatupad ng PNP Anti-Criminality Campaign.
Layunin ng programa na higit pang mapalapit ang PNP sa mga barangay officials at mga residente upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan ng komunidad.
Patuloy naman ang ating kapulisan sa pakikipagtulungan at pag suporta sa mga barangay upang maiwasan ang anumang banta ng kriminalidad sa lungsod.