BPATs, lumahok sa Awareness Lecture at Handcuffing Techniques ng Marilao PNP

0
552698469_1106455591612674_6657197151590288517_n

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Awareness Lecture at Handcuffing Techniques ng mga tauhan ng Marilao Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion 2, Marilao, Bulacan nito lamang Lunes, ika-22 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Jordan Santiago, Acting Chief of Police ng naturang istasyon.

Nagbigay ng lecture ang kapulisan hinggil sa RA 11313 o Anti-Bastos Law, Sexual Harassment, Katarungang Pambarangay at BPAT’s duties and function.

Kasabay nito, ang aktwal at tamang pagpoposas.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang aksyon at kooperasyon para sa pagkamit ng kaayusan, magbigay ng sapat na kaalaman upang magampanan ng mga tagapamayapa ng barangay ang kanilang mga responsibilidad.

Patuloy ang Marilao PNP sa pagsagawa ng ganitong mga aktibidad upang mapaigting ang ugnayan at kooperasyon ng kapulisan at pamayanan tungo sa mas ligtas at maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *