Community Outreach, naghatid ng saya at pag-asa sa Malupo Elementary School

0
552151166_810093998265161_7313094661493398146_n

Naghatid ang mga tauhan ng Davao Sur Police Provincial Office ng saya at pag-asa sa mga estudyante sa Malupo Elementary School, Sitio Malupo, Bansalan, Davao del Sur sa isinagawang Community Outreach Program noong Setyembre 24, 2025.

Pinangungunahan ito ni Police Captain Mary Grace Mendova, Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) focal person, dala nito ang layunin na hindi lang magbigay ng tulong, kundi maghatid ng ngiti sa mga puso ng mga taga-Malupo.

Kasama rin dito ang mga tauhan mula sa 2nd Davao del Sur Provincial Mobile Force Company, at mga miyembro ng Bansalan Municipal Police Station.

Aktibong lumahok din ang Digos Golden Treekers Eagles Club na pinamumunuan ni G. Abraham “Balong” Jubillo bilang presidente.

Sa nasabing programa, mahigit 150 mga benepisyaryo ang tumanggap ng mga loot bags, food packs, at ice cream bilang bahagi ng pamamahagi.

Ang ganitong mga gawain ay naglalayong mapalapit ang serbisyo ng kapulisan sa mga mamamayan at mapalakas ang tiwala at pakikipagtulungan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad.

Sa tulong ng Davao del Sur PNP at iba pang katuwang na organisasyon, patuloy ang kanilang pagsusumikap na maging tunay na kaagapay ng bayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *