KKDAT Baybay City, nakiisa sa Alay Lakad 2025
Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Alay Lakad 2025 ng Local Government Unit ng Baybay na ginanap sa Baybay City, Leyte noong Setyembre 27, 2025.
Ang kaganapan ay inorganisa ng LGU Baybay sa pakikipagtulungan sa Baybay City Alay Lakad Foundation na nilahukan ng mga tauhan ng Baybay City Police Station, public at private agencies, KKDAT Baybay at mga estudyante sa nasabing lugar.

Itinatampok sa aktibidad ang kahalagahan ng pagpapatibay ng ugnayan ng pamilya at pagsuporta sa edukasyon bilang mahahalagang haligi sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan.

Ang kaganapan ay may temang “Lig-ong Pamilya ug Maayong Edukasyon alang sa Lamdag nga Kaugmaon sa mga Batan-on.”
Sama-sama ang kalahok hindi lamang sa paglalakad kundi sa paggawa ng mga landas tungo sa mas maliwanag na kinabukasan maging sa pagsiguro na ang lahat ng estudyante sa Baybay ay magkakaroon ng access sa de-kalidad na edukasyon.