OPLAN LUCY Serbisyo Caravan, isinagawa sa Ormoc City
Matagumpay na inilunsad ang OPLAN LUCY – Organized Preventive Law Enforcement Against Narcotics with Leadership, Unity, and Community Yield Serbisyo Caravan sa Barangay Bayog Covered Court, Ormoc City nitong Setyembre 39, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Ormoc City Police Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joel R Camacho, Office-In-Charge na binigyang diin ang partisipasyon ng mga partner agencies at stakeholders sa pagpapaabot ng iba’t ibang serbisyo sa mga residente.
Kabilang sa mga libreng serbisyo na inihandog ng grupo ang blood pressure check-up, medical and wellness consultations, animal vaccination and deworming, seedling distribution, affordable goods sa pamamagitan ng KADIWA stalls, serving of traditional binignit, at on-site police clearance assistance.
Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection, Department of Agriculture, City Veterinary Office, AGAK Drug Rehabilitation and Wellness Facility, KADIWA ng Pangulo, at iba pang grupo ng suporta.

Ang kanilang aktibong pakikilahok ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng multi-sectoral partnership sa pagtiyak na ang mga mahahalagang programa at serbisyo ay maihatid sa mga komunidad partikular na sa mga katutubo.
Ang OPLAN LUCY ay higit pa sa isang anti-drug initiative—ito ay isang komprehensibong kampanya na nagtataguyod ng pagkakaisa, kalusugan at kaunlaran sa mga barangay ng Ormoc City.
Ang programa ay naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga tao habang pinalalakas ang paglaban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pag-iwas, kamalayan, at pakikipagtulungan sa komunidad.