BPATs, katuwang ng Enrile PNP sa pagpapatibay ng seguridad

0
viber_image_2025-10-03_16-21-12-723

Nagsagawa ng barangay visitation at dayalogo ang Enrile Police Station sa pangunguna ni PCpl Wilbert Mamauag, MCAD PNCO kasama ang mga opisyal at miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Lanna, ngayong araw, ika-3 ng Oktubre 2025.

Tinalakay sa pagtitipon ang mga isyu at concerns ng komunidad kaugnay ng anti-criminality at peace and order programs ng PNP.

Sa pulong, binigyang-diin ni PCpl Mamauag ang malaking ambag ng BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan sa barangay. Aniya, mahalaga ang kanilang aktibong partisipasyon upang mas mabilis na maipatupad ang mga polisiya sa seguridad at agarang makaresponde sa anumang insidente sa komunidad.

Kabilang din sa dayalogo ang pagbabahagi ng crime prevention at safety tips upang mas mapalakas ang kakayahan ng mga barangay officials at BPATs sa pagbabantay laban sa kriminalidad.

Sa pamamagitan ng BPATs at barangay officials, mas madaling maiparating sa mga residente ang mahahalagang impormasyon upang maiwasan ang pinsala at casualties dulot ng kalamidad

Ito ay nagpapakita ng matibay na ugnayan at kooperasyon ng PNP, BPATs, at mga opisyal ng barangay para sa isang mas ligtas, mapayapa, at handang komunidad.

Source: Enrile PCR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *