Barangay-Based Support Group sa Palanan, Isabela, aktibong nakikipagtulungan para sa Drug Clearing Program
Aktibong dumalo ang mga Barangay Captains at Secretaries sa ipinatawag na pulong ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Munisipalidad ng Palanan Isabela noong Oktubre 2, 2025 na ginanap sa Senior Citizens Hall, Barangay Dicabisagan West, Palanan, Isabela.
Pagkatapos ng pagpupulong ay sinuri nina IA V Ma Editha R Bunagan, Provincial Officer and IO II Dennis M Acosta, at mga kawani ng PDEA ang mga folders ng requirements para sa Barangay Drug Clearing Program, kasabay ng kanilang pagbisita sa bawat barangay ng nabanggit na bayan.
Naging oryentasyon din ito sa mga dumalo para tapusin at kumpletuhin ang iba pang mga kinakailangan na dokumento at aktibidad para sa kanilang Renewal of Drug Free Workplace Status at Drug Clearing of municipalities.
Dumalo din sa pagpupulong ang mga kapulisan ng Palanan Police Station, sa pangunguna ni Police Captain Waltson G Malayao, Deputy Chief, bilang pagpapakita ng suporta at tulong sa programa ng ahensya na katuwang din nila sa pagsulong sa kampanya kontra ilegal na droga sa naturang bayan.
Source: Palanan PS FB Page