LGU at Agno PNP, nanguna sa tree planting para sa National Cooperative Month
ilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Cooperative Month 2025 na may temang “Cooperatives: United in Purpose and Action, Sharing Prosperity to Build a Better World,” nagsagawa ng tree planting activity ang Lokal na Pamahalaan ng Agno katuwang ang Agno PNP sa Municipal Slaughterhouse, Barangay Magsaysay, Agno, Pangasinan noong Oktubre 3, 2025.
Sa kabila ng masamang panahon dulot ng Bagyong Paolo, matagumpay pa ring naisagawa ang aktibidad. Patunay ito ng determinasyon at malasakit ng mga kalahok para sa kapaligiran at komunidad.
Layon ng nasabing gawain na patuloy na isulong ang pangangalaga sa kalikasan, pagpapaunlad ng komunidad, at pagpapakita ng prinsipyo ng kooperatiba na “concern for the community.”

Pinangunahan ang aktibidad nina Municipal Mayor John N. Celeste at Municipal Councilor Kristine Feble, kasama ang aktibong pakikilahok ng iba’t ibang kooperatiba sa Agno. Dumalo rin ang Cooperative Development Authority Region I, Provincial Population, Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) Pangasinan, Bureau of Fire Protection, Coast Guard, at Catholic Women’s League.
Nagpamalas ng tunay na diwa ng kooperasyon at pagkakaisa ang lahat ng lumahok, patunay na ang sama-samang pagkilos ay nagbubunga ng makabuluhang benepisyo para sa kalikasan at sa buong pamayanan.
Binigyang-pugay din sina Mr. Paul Manfred R. Nebre, Environmental Management Specialist I, at Mrs. Jacqueline T. Bona, Cooperative Development Specialist I, dahil sa kanilang mahalagang ambag upang maging matagumpay ang naturang aktibidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, naipapakita na ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ay susi sa pagtataguyod ng isang mas luntian, malusog, at mas maunlad na Agno. Isang hakbang tungo sa pagbuo ng Bagong Pilipinas.
Source: Agno LGU