3-Day BPATs Training, isinagawa sa Sultan Kudarat
Matagumpay na naisagawa ang 3-Day Barangay Peacekeeping Action Team Training sa Covered Court, Barangay Didtaras, Lambayong, Sultan Kudarat nito lamang Oktubre 3-5, 2025.
Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng Lambayong Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno Police Major Leonel V Delasan, Hepe ng nasabing istasyon.
Tampok sa nasabing aktibidad ang pagtalakay ng kanilang mga importanteng tungkulin bilang katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Binigyang -diin din sa mga miyembro ng BPATs ang kahalagahan ng mga crime prevention efforts sa kanilang mga lugar para maiwasan ang mga krimen.



Dinaluhan naman ni Police Lieutenant Colonel Michael CC Odejerte, Deputy Provincial Director for Administration ng Sultan Kudarat Police Provincial Office ang closing ceremony ng nasabing aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Bernard L Lao, Provincial Director.
“Ang kapayapaan at kaayusan ay hindi lamang tungkulin ng kapulisan—ito ay isang sama-samang responsibilidad ng mga tagapagpatupad ng batas at ng buong komunidad,” ayon kay PLTCol Odejerte.
Ibinahagi rin nito na ang mga kasapi ng BPATs ay nagsisilbing mahalagang katuwang o force multipliers na nag-uugnay sa pagitan ng pulisya at ng mamamayan, lalo na sa mga liblib na barangay.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng BPATs Training ay isa na namang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad tungo sa mas ligtas at mas nagkakaisang komunidad.