Clean-up Drive, isinagawa sa Malaybalay City, Bukidnon
Matagumpay na isinagawa ang Clean-up Drive sa Barangay Miglamin, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-4 ng Oktubre 2025.
Aktibong nakilahok rin ang mga BPATs, Barangay Officials, LGU’s at mga residente ng nasabing lugar.
Sama-samang nilinis ang mga kalsada, kanal, at paligid ng lugar.
Sa kabuuan, tinatayang nasa pitong sako ng mga basura ang nakolekta.
Layunin nitong linisin at mapanatiling maayos ang kapaligiran upang maiwasan ang polusyon at mga sakit na dulot ng basura.
