Mag-aaral ng PSU- Santo Tomas Campus, aktibong nakilahok sa Lecture ukol sa Anti-Terrorism

0
555351616_675119298534445_3342550830313357122_n

Aktibong nakilahok sa isang makabuluhang lecture hinggil sa Anti-Terrorism Awareness ang mga mag-aaral ng Pampanga State University dating Don Honorio Ventura State University (DHVSU) – Sto. Tomas Campus na ginanap sa Multipurpose Hall ng paaralan nito lamang Oktubre 6, 2025.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Lorvinn A Layugan, Officer-In-Charge ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 3, ang talakayan sa mga uri ng terorismo, mga paraan upang ito’y maiwasan, at ang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan, na dinaluhan ng mga miyembro ng Student Council, piling mag-aaral, at ilang SK officials.

Nagkaroon ng open forum at question-and-answer session kung saan aktibong nakibahagi ang mga mag-aaral, nagbahagi ng kanilang mga katanungan at opinyon.

Layunin ng programa na palawakin ang kamalayan ng kabataan sa banta ng terorismo at bilang patunay na ang ating kapulisan ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas kundi kaagapay sa paghubog ng responsableng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *