Kampanya laban sa Kriminalidad, tinalakay
Tinalakay sa mga estudyante ng Sawata National High School ang talakayan na pinangunahan ng mga tauhan ng San Isidro Municipal Police Station nito lamang Lunes, Oktubre 6, 2025 ganap na 7:40 ng umaga sa Sawata National High School, Davao del Norte.
Pinangunahan ito ng kapulisan para sa mga guro at kawani ng nasabing paaralan sa pangunguna ni Ginoong Allan Paglinawan, Head Teacher ng paaralan.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad, partikular ang tinaguriang “8 Focus Crimes” na kinabibilangan ng Pisikal na pananakit (Physical Injury), Panggagahasa (Rape), Pagpatay (Murder), Homicide, Pagnanakaw (Theft) Panloloob (Robbery), Motornapping at Carnapping.
Bukod dito, ibinahagi rin ng pulis ang ilang mga safety tips at mga paraan ng pag-iwas sa krimen, upang mapanatiling ligtas ang bawat isa sa komunidad.
Bahagi rin ng talakayan ang patuloy na kampanya laban sa iligal na droga at terorismo, na layuning gisingin ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga banta ng mga ito sa seguridad at kaayusan ng lipunan.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay bahagi ng mas malawak na programa ng kapulisan upang makipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at ng mamamayan tungo sa isang mas ligtas at mapayapang komunidad.