Barangay Visitation, isinagawa ng 1st Provincial Mobile Force Company sa Cebu

Ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC), sa pangunguna ni PCpl Roy C. Antabo, PCAD PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL ARNOLD PONCE VALENZUELA, Force Commander, ay nagsagawa ng courtesy call at barangay visitation sa Brgy. Pondol, Balamban, Cebu noong Oktubre 11, 2025, ganap na 9:45 ng umaga.

Mainit silang tinanggap ni Hon. Alfredo A. Seras Jr., Punong Barangay ng nasabing lugar, kasama si Hon. Jerry Dela Peña, Balamban MADAC Focal Person.

Layunin ng naturang aktibidad na palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng PNP at mga lokal na opisyal ng barangay. Sa pamamagitan ng pagbisitang ito, nabigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyung kinahaharap ng komunidad at kung paano maisasakatuparan ang mga plano at programa ng 1st PMFC para sa kapayapaan at kaayusan.

Ipinaliwanag din ang pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at insureksiyon sa ilalim ng Executive Order No. 70 at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang programang ito ay nakabatay sa whole-of-nation approach na naglalayong makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *