BPAT Training at Seminar, isinagawa sa Pioduran, Albay

Nagsagawa ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Training at Seminar na pinangunahan ng mga tauhan ng PNP Pioduran sa pangunguna ni PMAJ REYMOND P QUINITO, ACOP, bandang alas-8:00 ng umaga noong Oktubre 12, 2025, sa Covered Court ng Brgy. La Medalla, Pioduran, Albay.

Layunin ng naturang aktibidad na palakasin at bigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga lokal na boluntaryo upang higit pang mapaigting ang kapayapaan, seguridad, at pagkakaisa sa bawat sulok ng komunidad.

Dumalo sa naturang pagsasanay ang mga kasapi ng BPAT mula sa Brgy. Basicao Coastal, Brgy. Marigondon, Brgy. Panganiran, at Brgy. La Medalla.

Kabilang sa mga tinalakay sa seminar ang mga paksa na Katarungang Pambarangay, Municipal Traffic and Transportation Management Code of the Municipality of Pioduran, Albay, Republic Act 8353 (Anti-Rape Law) at Arresting Techniques and Procedures.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, inaasahang higit pang magiging handa at maaasahan ang mga kasapi ng BPAT sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang barangay tungo sa mas ligtas at mas matatag na komunidad.

Source: Pio Duran Mps Albayppo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *