“Hope on the Move” Pink Run, idinaos sa Roxas City, Capiz

Pinangunahan ng Roxas Memorial Provincial Hospital ang matagumpay na pagsasagawa ng “Hope on the Move” Pink Run noong Oktubre 12, 2025, sa Robinsons Place, Roxas City, Capiz.
Layunin ng aktibidad na ito na palaganapin ang kamalayan tungkol sa breast cancer, hikayatin ang maagang pagpapasuri, at magbigay ng suporta sa mga pasyente at survivors ng naturang sakit.
Bilang pakikiisa sa makabuluhang adhikain, ang Capiz Police Provincial Office (CPPO), sa pangunguna ni PLTCOL Rogelio L. Tomagtang Jr., DPDA, sa ilalim ng superbisyon ni PCOL Albert D. Tapulao, Provincial Director, ay lumahok bilang kinatawan ng Philippine National Police (PNP) upang ipakita ang kanilang suporta sa mga inisyatibang pangkalusugan at pangkomunidad.

Ipinamalas sa aktibidad ang kooperasyon at pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagsusulong ng pag-asa, malasakit, at pagkakaisa sa laban kontra breast cancer.
Sa pagtatapos ng aktibidad, binigyang-diin ng lahat ng kalahok na ang tunay na lakas ay nasa pagkakaisa, isang malinaw na patunay na sa pamamagitan ng mahigpit na pagtutulungan ng bawat ahensya, higit na nagiging matagumpay ang mga programang naglalayong maghatid ng serbisyo, inspirasyon, at pag-asa sa komunidad.
Source: Capiz Police Provincial Office