LUVWI, nanguna sa Barangay Road Clearing Operation

Nanguna ang LUVWI Ilocano Chapter, isang advocacy group na pinamumunuan ni Ginang Merle Carpio, sa isinagawang Barangay Road Clearing Operation (BARCO) katuwang ang IZ Organization ni Ginang Marivic Soriano noong Oktobre 12, 2025.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga daanan at palakasin ang kooperasyon ng mga Civil Society Organizations (CSOs) sa Local Government Unit (LGU) bilang katuwang sa pagpapaunlad ng komunidad.

Kasama ng kanilang mga miyembro at mga Barangay Tanod, sama-sama nilang nilinis ang mga lansangan bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa ligtas at maayos na kapaligiran.

Source: LUVWI Sudipen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *