Pagpapatibay ng kamalayan ng mga mangingisda sa pamamagitan ng dayalogo

Isinagawa ang isang dayalogo kasama ang mga lokal na mangingisda sa bayan ng Tanza, Cavite nito lamang Sabado, ika-11 ng Oktubre 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Tanza Municipal Police Station sa pamumuno ni PLtCol Joven T Bahil, Officer-in-Charge, sa pakikipagtulungan kay Hon. Archangelo Matro, Punong Bayan ng Tanza, sa ilalim ng programang Serbisyo at Malasakit.

Tinalakay sa pulong ang mga isyu at hamong kinakaharap ng mga mangingisda gaya ng kaligtasan sa laot, illegal fishing, at ang kahalagahan ng maagap na ulat sa mga kahina-hinalang gawain. Ibinahagi rin ng kapulisan ang mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga baybaying bahagi ng bayan.

Ang ganitong mga inisyatibo ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, kapulisan, at mamamayan upang masigurong ang Tanza ay magiging isang mas ligtas at mapayapang lugar para sa lahat.

Source: Tanza PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *