School Symposium, isinagawa sa pinakaliblib na lugar sa Tumauini, Isabela

Matagumpay ang isagawang School Symposium sa tinuturing na pinakaliblib na paaralan sa DY-ABRA Elementary School, Brgy Dy- Abra, Tumauini, Isabela nito lamang ika-10 ng Oktubre 2025.

Aktibong dinaluhan ng mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 6 ang aktibidad, na kaugnay sa pagsasagawa ng nasabing paaralan ng National Drug Education Program (NDEP) and Anti-Bullying Act.

Naging sentro ng aktibidad ang pagtalakay sa RA 9165, kung saan binigyang-diin ang mga masasamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga sa katawan ng tao at sa ating lipunan. Tinalakay rin ang Anti-Bullying Act na karaniwang kinakaharap ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

Samantala, nagkaroon din ng open forum kung saan aktibong nagtanong ang mga estudyante. Sa pamamagitan nito, mas napalawig ang kanilang kaalaman tungkol sa mga nasabing batas.

Layon ng aktibidad na ito na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan at patunay ng pagkakaisa ng PNP at ng mga institusyong pang-edukasyon sa pagtataguyod ng kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan para sa bagong henerasyon.

Source: Tumauini PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *