J’Capz Care, To Serve and Share, isinagawa sa Palarao Elementary School, Leyte

Masayang nakilahok ang mga mag-aaral ng Palarao Elementary School sa isinagawang Community Outreach Program na binansagan bilang J’Capz Care, To Serve and Share sa, na ginanap sa Munisipyo ng Villaba, Leyte nito lamang Oktubre 16, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Police Regional Office 8 sa pamumuno ni PBGen Jason L capoy, Regional Director sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division na pinamumunuan ni Police Colonel Jennifer R Sumpo sa pakikipagtulungan sa Office of the Civil Defense 8 sa pangunguna ni Mr. Lord Byron P. Torrecarion, Regional Director, Philippine Air Force-Tactical Operations Group 8 at Fraternal Order of Eagles.

Ang kaganapan ay napuno ng init at pasasalamat nang ibinahagi ng mga opisyal ng pulisya, partner agencies at stake holder ang kanilang oras, pinalawig na tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga school supplies at food packs sa mga estudyante. Gayundin, namigay din ang grupo ng mga hygiene kit at steel cans sa Villaba LGU.

Sa pamamagitan ng “J’Capz Care,” patuloy na ipinapakita ng PRO 8 na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang tungkol sa pagtiyak ng kapayapaan at seguridad, kundi tungkol din sa pagpapasigla ng mga buhay, pagpapalaganap ng kagalakan, at pagbuo ng mas matibay na ugnayan sa mga komunidad na kanilang buong pusong pinaglilingkuran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *