Solid Allied Force Inc., nagsagawa ng Feeding Program sa Baranga Ilocanos Norte, San Fernando City, La Union

0
viber_image_2025-10-21_11-35-06-844

Noong Oktubre 19, 2025, matagumpay na isinagawa ng Solid Allied Force Inc. (SAF) ang isang Feeding Program sa Brgy. Ilocanos Norte, partikular sa Day Care Center ng barangay, kung saan humigit-kumulang 50 katao ang nabigyan ng pagkain at tulong.

Layunin ng proyektong ito na makatulong sa mga bata at residente ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain at pagpapakita ng malasakit sa kapwa.

Lubos ang pasasalamat ng Solid Allied Force Inc. sa Punong Barangay Jonathan Rulloda, kay Kagawad Herico F. Dolor, at higit sa lahat kay Unang Kagawad Christopher B. Caballo sa kanilang walang sawang suporta at tulong mula simula hanggang sa pagtatapos ng programa.

Ayon sa SAF, ang tagumpay ng aktibidad na ito ay hindi magiging posible kung wala ang pagkakaisa at kooperasyon ng mga opisyal ng barangay at mga boluntaryo.

Hindi rin nakalimutan ng grupo na magpasalamat sa Poong Maykapal sa paggabay at pagbibigay ng magandang panahon upang maisakatuparan ang proyekto nang maayos at matagumpay.

Ang nasabing aktibidad ay patunay ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa, at nagsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ng Solid Allied Force Inc. ang kanilang mga programang pang-komunidad sa iba pang lugar sa hinaharap.

Source: Ka – SOLID

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *