PNP Advocacy Support Group at Force Multipliers, nagsagawa ng Medical Mission sa Baguio City

0
566530273_695094223185316_7855057001192565930_n

Isinagawa ang Medical Mission ng Advocacy Support Group at Force Multipliers ng PNP na ginanap sa Pacday Quinio Elementary School sa Asin Road, Baguio City nito lamang ika-25 ng Oktubre 2025.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Grupo ng Confederate Sentinels of God na pinamumunuan ni Director General Alvin Constantino, isang Non-Government Organization na accredited ng PNP, katuwang ang KM Ngayon Na Party List sa pangunguna ni Representative Kenneth Paolo Tereng, Medical Unit sa pangunguna ni Dr. Joseph Roderick C. Jacinto, at sa pakikipag-ugnayan sa Regional Police Community Affairs and Development Unit Cordillera at Baguio City PNP.

Umabot sa kabuuang 378 na indibidwal ang nahandugan ng serbisyong medical kabilang ang 215 na sumailalim sa libreng medikal na konsultasyon at nabigyan ng tamang gamot at bitamina, at 163 naman ang nakinakinabang sa libreng konsultasyon sa mata at tumanggap ng libreng reading glasses.

Dagdag pa rito, nagsagawa din ng educational drive hinggil sa oral at dental care at namahagi ng libreng toothbrush sa mga benepisyaryo.

Ang buong kaganapan ay sinubaybayan nila Police Lieutenant Colonel Denver A. Alidao, Officer -In-Charge RPCADU-CAR at Police Major Wilbert C. Padngaran Jr., Station Commander, Baguio City OPolice Station 9. Ang aktibidad ay patunay sa dedikasyon ng mga Advocacy Support Groups at Pambansang Pulisya sa paghahandog ng serbisyong may malasakit sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *