Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting at Food Packs distribution sa Leyte

Nakiisa ang mga Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting at Food Packs distribution sa Brgy. Tabang, Lapaz, Leyte nito lamang Oktubre 30, 2025.

Ang aktibidad ay pinasimulan ni Atty. Peachy S. Marcos, Presidential Management Staff–Undersecretary, sa pakikipagtulungan ng barangay council ng Brgy. Tabang, Lapaz, Leyte sa pamumuno ni Hon. David Constinyano kasama ang mga tauhan ng Police Regional Office 8 sa pangunguna ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director.

Binigyang-diin ng aktibidad ang pagtatanim ng puno ang magkatuwang na responsibilidad ng pamahalaan at ng komunidad sa pagpapanatili ng malusog na kapaligiran.

Ang partnership ng Presidential Management Staff, Philippine National Police, at Local Government Unit ng La Paz ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan sa pagprotekta sa kapaligiran at pagsuporta sa pag-unlad ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *