Closing Ceremony ng BPAT Training Seminar, idinaos sa Northern Samar
 
                Matagumpay na idinaos ang Closing Ceremony ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) Training Seminar sa Brgy. Libas, Lavezares, Northern Samar nito lamang Oktubre 28, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Northern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Sonnie b Omengan kasama ang mga Barangay Peacekeeping Action Team ng nasabing barangay.
Ang dalawang araw na pagsasanay ay nagsimula noong Oktubre 27, 2025, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng BPAT mula sa iba’t ibang barangay ng Lavezares sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad, at epektibong pagtugon sa mga emerhensiya.

Ang mga kalahok ay sumailalim sa mga komprehensibong lecture at praktikal na pagsasanay na sumasaklaw sa mga paksa tulad ng Basic First Aid and Casualty Handling, Disaster Preparedness, Relief, and Rescue Operations, Fire Prevention, Safety Measures, and Emergency Drills, Basic Self-Defense and Safe Handcuffing Techniques, Barangay Blotter Writing; Incident Reporting, Crime Scene Preservation at Warrantless Arrest Procedures.
Ang inisyatiba ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng Northern Samar PPO na palakasin ang mga community-based peacekeepers at pahusayin ang pagtutulungan ng pulisya at mga lokal na stakeholder sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at matatag na komunidad.
 
                                         
                                         
                                         
                                        