Community Lecture, isinagawa sa Santa Maria, Bulacan

Aktibong nakilahok ang mga magulang at tagapag-alaga ng San Vicente Child Development Center sa isinagawang Child Safety and Healthy Home Environment Community Lecture ng mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station sa San Vicente Old Borland Covered Court, Santa Maria, Bulacan, nito lamang Martes, ika-28 ng Oktubre 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni PSSg Jovicent Rullepa, WCPD PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni PLtCol Mark Louie M. Sigua, Acting Chief of Police ng naturang estasyon.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga paksang “Keeping Your Child Safe from Abuse” at “Keeping a Healthy Environment for Your Children,” na layuning bigyang-kaalaman ang mga magulang ukol sa kanilang mahalagang papel sa pagprotekta sa mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

Binigyang-diin din ng awtoridad ang kahalagahan ng wastong gabay ng magulang, bukas na komunikasyon, at tamang pag-aalaga upang maiwasan ang anumang posibleng pagsasamantala.

Patuloy ang Santa Maria MPS sa pagpapatupad ng mga ganitong programa upang masiguro na maprotektahan ang kapakanan ng mga kabataan at matiyak na sila ay lumaki sa isang komunidad na ligtas sa anumang uri ng panganib at pang-aabuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *