Project “Juana”: Lecture on Gender-Related Laws at Livelihood Training, isinagawa sa Taytay, Rizal

Isang makabuluhang programa ang isinagawa ngayong Miyerkules, ika-29 ng Oktubre 2025, sa Sitio Tibagan, Barangay Dolores, Taytay, Rizal sa ilalim ng Project “Juana”, na layuning palawakin ang kaalaman ng ating mga PNP personnel, kanilang mga dependents, at mga kababaihan sa komunidad hinggil sa mga gender-related laws na naglalayong magbigay-proteksyon sa karapatan at kapakanan ng kababaihan.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng mga kinatawan mula sa TESDA-Taytay, Rizal, katuwang ang Taytay Municipal Police Station, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Section. Sa ginanap na pagtitipon, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga batas na nagtataguyod ng gender equality at tumitiyak sa pantay na pagtrato sa kababaihan sa lahat ng larangan.

Kasabay nito ay isinagawa rin ang livelihood training na tumuon sa paggawa ng longganisa at siomai, kung saan aktibong nakibahagi ang mga kababaihan at PNP dependents. Layunin ng naturang pagsasanay na mabigyan sila ng karagdagang kasanayan na maaaring magamit sa pagkakaroon ng alternatibong kabuhayan at dagdag na kita para sa kanilang pamilya.

Ang Project “Juana” ay patunay ng matatag na ugnayan ng pamahalaan, PNP, at mga ahensyang nagbibigay suporta sa kababaihan. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na isinusulong ang empowerment ng kababaihan, hindi lamang sa aspeto ng karapatan, kundi pati na rin sa pag-unlad at kabuhayan.

Source: Rizal PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *