Force Multiplier, nakiisa sa pagpapanatili ng seguridad para sa Ligtas Undas 2025

0
photo_2025-11-01_17-58-02

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa Seguridad para sa Ligats Undas 2025 na ginanap sa iba’t ibang sementeryo ng Sogod, Cebu noong ika-1 ng Nobyembre 2025.

Ito ay sa pangunguna ng Sogod Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Yves A Montejo, Officer-In-Charge.

Layunin ng kanilang presensya ay ang pagbibigay ng seguridad at serbisyo publiko sa mga pamilyang bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Ang ganitong hakbang ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng kapulisan sa adhikain ng Ligtas Undas 2025 program.

Hinihikayat naman ng Sogod MPS ang publiko na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin upang maging maayos at mapayapa ang paggunita ng Undas.

Ang aktibong partisipasyon ng mamamayan at ang patuloy na pagbabantay ng kapulisan ay magsisilbing susi upang matiyak na ang lahat ay makapaggunita nang ligtas at matiwasay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *