Mga awtoridad, tulong-tulong sa pagsasagawa ng clearing operation kasabay ng pananalasa ng bagyo sa Bago City
Tulong-tulong ang mga awtoridad sa Bago City sa pagsasagawa ng road-clearing at tree pruning operations nito lamang araw, November 4, 2025, kasabay ng pananalasa ni Bagyong Tino sa Negros Occidental at sa mga karatig-lalawigan.
Nanguna sa nasabing clearing operations ang mga tauhan ng Bago City Police Station katuwang ang mga tauhan ng Bago City Risk Reduction and Management Council na hindi alintana ang lakas ng ulan na dulot ng nasabing bagyo.

Nauna ng isinailalim ng PAG-ASA sa Signal Number 4 ang iilang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental na inaaasahang magdudulot ng matinding ulan at pagbaha lalo na sa hilagang bahagi ng Negros island.
Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad ang publiko na maging mapagmatayag at sumunod sa mga abiso ng LGU at iba pang mga ahensya ng pamahalaan habang patuloy pang nananalasa si Bagyong Tinong upang maiwasan ang anumang disgrasya sa panahon ng kalamidad.