Mag-aaral ng Tanauan Central School, nakilahok sa Earthquake Drill sa Leyte
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Tanauan Central School sa isinagawang Earthquake Drill sa Tanauan Town Hall, Brgy. Buntay, Tanauan, Leyte nito lamang Nobyembre 6, 2025.
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang aktibidad kasama ang mga tauhan ng Tanauan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Carmelo I Gacho, Officer-In-Charge, Bureau of Fire Protection, Local Government Unit ng Tanauan, mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ang aktibidad ay isang pagsasanay na nagtuturo sa mga tao kung ano ang dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol upang manatiling ligtas. Tinutulungan nito ang mga indibidwal, paaralan, opisina, at komunidad na maghanda para sa mga tunay na lindol sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aksyong pangkaligtasan tulad ng “Drop, Cover, at Hold On”, paglipat sa mga ligtas na lugar, at pagsunod sa mga pamamaraan ng paglikas.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong palakasin ang paghahanda sa sakuna at tiyakin na ang lahat ng kalahok ay magkakaroon ng kaalaman kung paano kumilos nang ligtas at mahusay sa panahon ng lindol, sa gayon ay maiwasan ang mga nakamamatay na pinsala at mabawasan ang mga casualty.