NORPPO SAR Team, nanguna sa ikalawang araw ng Search, Rescue at Retrieval Operation kaugnay ng Bagyong Tino

0
viber_image_2025-11-07_11-39-34-579

Isinagawa ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) Search and Rescue (SAR) Team sa pamumuno ni PMAJ Fortunato Villafuerte, Team Leader, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCOL Criscente C. Tiguelo, OIC ng NOrPPO ang ikalawang araw ng search, rescue, at retrieval operation kaugnay ng pananalasa ng Bagyong “Tino.”

Ang operasyon ay isinagawa sa Ceres Terminal, Canlaon City, Negros Oriental, noong ika-6 ng Nobyembre 2025.

Katuwang ng NOrPPO SAR Team sa nasabing operasyon ang mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) ng Canlaon City.

Ang pinagsanib na pwersa ay nagsagawa ng sistematikong paghahanap at pagsagip sa mga biktima ng bagyo, gayundin ng pagkuha ng mga debris at iba pang ebidensiya ng pinsala na dulot ng kalamidad. Ang kooperasyon ng mga ahensya ay nagpapakita ng matibay na ugnayan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga sitwasyong pang-emergency.

Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na pagtulong at pagbibigay ng suporta ng NOrPPO, katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno, sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Layunin nitong maibalik ang kaligtasan at kaayusan sa mga apektadong lugar at maiparamdam sa mga mamamayan ang presensya at malasakit ng pamahalaan sa oras ng sakuna.

Sa kabila ng hamon ng panahon, patuloy na isinasagawa ng mga rescuer ang kanilang tungkulin nang may dedikasyon at tapang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *