National Children’s Month, makabuluhang ipinagdiwang sa San Jose Del Monte City, Bulacan

0
photo_2025-11-08_17-05-54

Bilang pagdiriwang ng National Children’s Month, nagsagawa ang mga tauhan ng San Jose Del Monte City Police Station (CPS) ng lecture, storytelling, at feeding program para sa mga batang mag-aaral ng daycare at kanilang mga magulang sa Barangay Poblacion 1, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan nito lamang ika-6 ng Nobyembre, 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ng Women and Children Protection Desk (WCPD) sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLtCol Reyson M. Bagain, Chief of Police.

Layunin ng programa na itaguyod ang karapatan, kapakanan, at kalusugan ng mga bata, gayundin ang pagtibayin ang ugnayan ng pulisya at komunidad sa pamamagitan ng mga gawaing pang-edukasyon at pangkalinga.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang patuloy na dedikasyon ng San Jose Del Monte CPS sa pagtupad sa adbokasiya ng PNP sa pangangalaga sa kababaihan at kabataan, at sa pagpapalakas ng tiwala at pakikipag-ugnayan sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *