RMFB 6 at DSAP, nagkaisa para sa Community Medical Mission at libreng gupit sa Calinog, Iloilo

0
viber_image_2025-11-10_15-25-03-800

Isang matagumpay na Community Medical Mission at Libreng Gupit ang isinagawa sa Barangay Dalid, Calinog, Iloilo sa pamamagitan ng malasakit at pagtutulungan ng Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6) at Drug Store Association of the Philippines (DSAP) Iloilo-Guimaras Chapter na ginanap sa Barangay Dalid Multi-Purpose Hall noong ika-9 ng Nobyembre 2025.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 602nd Company, RMFB6 sa pamumuno ni PLT ABDANNIE R. DITUCLAN, PCAS PCO, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCPT ROY C. COMPE, Officer-In-Charge, katuwang ang RMFB6 Headquarters at 603rd Company, RMFB6.

Higit sa 150 na residente ang nakatanggap ng libreng medical check-up, gamot, health education, at serbisyo sa paggugupit.

Ang DSAP naman ang nanguna sa medical mission, habang ang RMFB6 personnel ay nagbigay-suporta sa logistics, crowd assistance, at libreng gupit, bilang pagpapakita ng kanilang pangako sa komunidad.

Ang tagumpay ng aktibidad na ito ay bunga ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor. Ipinapakita nito na kapag nagsanib-puwersa ang kapulisan at pribadong grupo, mas marami tayong naaabot at natutulungang kababayan.

Ipinakita ng kolaborasyon ng RMFB6 at DSAP na sa pamamagitan ng bayanihan at koordinasyon, mas napagtitibay ang ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagpapaabot ng serbisyong tunay na may malasakit. Ang naturang inisyatiba ay hindi lamang nagbigay ng tulong medikal, kundi nagpatibay rin ng tiwala at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at ng mga mamamayan ng Calinog.

Source: Rmfb Six Pathfinder

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *