Search at Retrieval operations, patuloy na ipinapatupad sa Negros Occidental matapos manalasa si Typhoon Tino

0
viber_image_2025-11-12_14-51-40-036

Muling nagsagawa ng search at retrieval operations ang iba’t ibang grupo sa bayan ng Isabela sa lalawigan ng Negros Occidental nito lamang araw, November 12, 2025, kasunod ng pananalasa ni Bagyong Tino noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga nanguna sa nasabing operasyon ang Isabela Municipa Police Station sa pamumuno ni PMaj Joseph B Partidas, katuwang ang Regional Mobile Force Battalion NIR 5th Company, Bureau of Fire Protection, Local Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine Coast Guard, Philippine Army, K9 Rescue Unit, at ang mga Local Government Unit drone operators.

Layunin ng grupo na makita na ang lahat ng mga nawawalang indibidwal kasabay ng hagupit ni Bagyong tino sa iba’t ibang bayan sa Negros Occidental.

Samantala, sa tulong ng lokal na pamahalaan at ng mga pribadong organisasyon at indibidwal na nagpaabot ng kanilang tong, unti-unti ng nakabangon ang iilan sa mga residenteng lubos na naapektuhan ng nakaraang bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *