“Think Safe, Act Safe” Seminar, aktibong nilahukan ng mga kabataan sa Nueva Ecija

0
582032816_1130160062215487_7221639956538600510_n

Upang palawakin ang kaalaman at kamalayan ng kabataan hinggil sa kaligtasan at disiplina, nagsagawa ang San Jose City Police Station ng isang information at awareness seminar na may temang “Think Safe, Act Safe: Awareness for a Responsible Tomorrow” sa Caanawan National High School – Senior High School, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Nobyembre 12, 2025.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose City sa pangunguna ni Hon. Mary Eleanor B. Villena, Chairperson ng Committee on Transportation.

Layunin ng programa na turuan ang mga estudyante tungkol sa Violence Against Women and their Children (VAWC), Drug Awareness, at Crime Prevention.

Nagsilbing mga tagapagsalita sina PSSg Gladys S. Turno at PSSg Christian L. Pulido sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Gerald G. Fernandez, Chief of Police ng San Jose CPS.

Sa kanilang mga talakayan, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagiging responsableng mamamayan, pagsunod sa batas, at aktibong pakikilahok sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.

Patuloy namang ipinapakita ng San Jose City PNP ang kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at responsableng pagkamamamayan, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga paaralan at lokal na sektor tungo sa isang ligtas at maayos na kinabukasan para sa kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *