Local Government Unit Capoocan, nakiisa sa 108th Founding Anniversary Celebration ng Leyte

0
viber_image_2025-11-16_10-37-39-472

Matagumpay na nakiisa ang Local Government Unit ng Capoocan sa pagdaraos ng 108th Founding Anniversary Celebration ng Leyte na ginanap sa Capoocan Municipal Gymnasium, Barangay Manloy, Capoocan, Leyte nito lamang Nobyembre 15, 2025.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Local Government Unit ng Capoocan, iba’t ibang National Government Agencies, Capoocan Municipal Police Station, Capoocan Fire Station, Philippine Coast Guard–Capoocan, Tau Gamma Phi – Capoocan Chapter, mga Men and Women of the Waraynon Warriors at Regional Mobile Force Battalion 8 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Dionesio A Maestre Jr., Officer-In-Charge.

Itinampok sa kaganapang ang pangako ng lokal na pamahalaan sa kabutihan, pangangalaga sa kapaligiran, at sigla ng kultura na may temang “A Walk for a Cause, Tree Planting Activity, and Dance-Off Competition”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *